home // message // history // Hi. I am Jolly. And no one really cares. Yeah, this is my blog, my online diary and I will post whatever I like here.
me dieting

Day 1: I THINK I JUST LOOSE 10lbs

Day 2: okay I can do this!!

Day 3: WOW I look so HOT now

Day 4: I want pizza

Day 5: I can't do this anymore! I WANT FOOD!! FOOD!!

# me
sa bahay habang nag-t-tumblr

Mom: Mag saing kana.

Me: Teka lang po.

50mins later..

Mom: Diba magsasaing ka pa?! Anong oras na wala pang sinaing! Kapag hindi kapa tumayo diyan, papatayin ko yang wifi mo sige ka

Me: mabilis na tumayo at nagsaing

Lost
Artist: Frank Ocean
Album: channel ORANGE
Plays: 279

Lost by Frank Ocean

BEST FRIENDS FOREVER

PIGIL ANG hiningang nakatingin si Chloe Magdalo o kilala bilang Ms. C sa kanilang unibersidad. Si Jake. Handang handa na itong i-shoot ang bola sa basket ball rink. Nahigit niya ang kanyang hininga.

Sana ma-shoot! Sana ma-shoot! Sabi niya sa sarili. Walang dudang ma-s-shoot ito ng binata. Best friend niya ito at napakagaling pa. Ito ang team captain ng basketball team ng kanilang university. 

"Go Jake! Kaya mo yan!" Aniya sa napakalas na tinig. Waring narinig naman siya nito dahil napangiti ito.

Ito ang pag-asa ng team nila, lamang kasi ng dalawang puntos ang kalaban at kailangan na mashoot nito ngayon ang 3 points na iyon. Tumunog ang drums, mas lalong pinapakaba ang manunuod. Pumikit siyaLord, sana po ma-shoot niya. Sana manalo po kami. Asal niya. Last year na kasi ni Jake sa kolehiyo sa kursong Mechanical Engineering. At ang manalo sa kumpetisyong iyon ang gusto nitong tumatak sa kapwa nilang estudyante sa unibersidad. Gusto kasi nitong mabigyan ang unibersidad nila ng karangalanang maging champion for this year. Kaya lubos ang ginawa nitong pag-t-train para lang paghandaan ang larong iyon. Natandaan tuloy niya na halos hindi sila magkita dahil sa napakabusy nito sa training. Bihira lang sila kung magkasama nitong mga nakaraang buwan. Napabuntong hininga siya

Kaya dapat mapanalo niya ito para naman worth it ang hindi namin pagkikita `no! Sabi niya sa sarili.

Narinig niya sabay-sabay naghiyawan ang mga tao at napadilat siya. Nashoot ni Jake ang bola! Lahat ng ka-school mates nila ay napatayo at naghihiyawan. Sumabay siya sa mga ito.

"Ang galing mo talaga Jake! Mahal na talaga kita!" Sabi ng isang babae.

Idoooool! Napakagaling mo!” Anang naman ng kasama nitong lalaki.

"I’m so proud of you baby!" Sabi ng bakla.

Napatawa siya. Ang dami na talagang mga taong humahanga sa best friend niya. At isa na siya doon. Napahinga siya ng malalim. Ang galing talaga ng mahal ko! Hindi niya kayang isatinig dahil walang nakakaalam ng sikreto niyang iyon. Kahit kanino wala siyang pinagsabihan para maprotektahan ang pagkakaibigan nila. 

Tumakbo siya papunta sa gilid ng basket ball rink at pinuntahan ang iba pang mga kagrupo nito.

"Asan si Jake?" Tanong niya kay Ram. Set B ito ng kanilang team.

"Ayun oh," sabay turo sa bandang kanan.

Nakita niya ito, kausap si Coach Morales. Pinuntahan niya ang mga ito.

"Congratulations Coach Morales!" Nakita niyang napapaluha si Coach Morales. Ngumiti lang ito sa kanya. Binalingan niya si Jake.

"Jake ang galing mo! Ikaw na! Ikaw na talaga!” Sabay yakap dito. Gumanti ito ng yakap at napakahigpit nun to the point na hindi na siya makahinga. Shit its so good to be in his arms! Sabi niya sa sarili.

"Wait Jake, hindi ako makahinga,” sabay bitiw dito. Baka kasi may makapansin na kinikilig siya. Pagkakita niya sa mukha nito basang basa ng pawis ang mukha nito pero hindi mapagkakailang uumiiyak ito.

Ssssshh. Ano ba? Wag ka nang umiyak dyan! Champion kayo oh. Champion! Diba yun ang pangarap mo?”

"Tears of joy lang Chloe. Eto naman eh, panira ng moment!” Sabay tawa. “Ang saya saya ko kasi, ang best friend ko ang unang nag-congratulate sakin.” anito. Titig na tigig sa kanya.

Heh! Magtigil ka dyan ha! Babatukan kita eh!” Baka seryosohin kita dyan! Dagdag niya sa isip.

"Congratulations ulit best friend. I’m so proud of you! Siguradong MVP kana niyan! Payakap nga ulit!” Nagyakapan sila.

Salamat Chloe. Maraming salamat. Nung narinig ko yung pagsigaw mo nawala lahat ng tensyong nararamdaman ko nung mga oras na yun. Salamat talaga.”

"Tama na nga ’to, ang drama natin ’no! Pinagtitinginan na tayo nila Coach," sabay tawa.

Pakatapos sabihin kung sino ang champion at ang mga may awards—si Jake ang naging MVP—bumalik na sila sa school. Mamayang gabi may gaganaping party para icelebrate ang kanilang pagkapanalo.

"Sige na umuwi kana para makapagpahinga ka muna. May party pa kayo mamaya diba?” aniya.

"Hahatid muna kita sa inyo, ang tagal ko nang hindi nagagawa ’yun. Mamimiss ko na si Tita Carmen," anitong nakangiti.

"Miss ka na din ni Mama. Nako! Siguradong matutuwa yun kapag nakita ka. Malamang napanood niya ang laban mo,” aniya.

"Tara na nga, baka hinahanap kana ni Tita." Sumakay na sila sa itim na Toyota Corolla nito. Habang daan kung anu-ano ang kanilang pinagusapan. Hindi nga niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng bahay nila.

`Ma! Andito na po ako! Kasama ko po si Jake,” pagbibigay impormasyon niya sa kanyang ina.

Lumabas si ang Mama Carmen niya sa kusina. “Napanood ko ang laban mo hijo, napakagaling mo talaga! Congratulations!” niyakap nito si Jake.

Salamat po Tita Carmen. At sorry po kung hindi ako nakakadalaw dito ng mga nakaraan araw, busy lang po sa training.”

Itong batang ’to oh, wala ’yun. Heto nga at nag-champion kayo kaya nagbunga ang paghihirap mo.”

Salamat po Tita. Ay oonga po pala, ipapaalam ko lang po si Chloe kung pwedeng sumama siya sakin para sa celebration party namin mamaya. Siya po sana ang date ko.” anitong nakatingin sa Mama niya.

Nagulat naman siya. Hindi iyon nabanggit ni Jake na isasama siya nito sa party. Nawala din naman sa isip niya ang bagay na iyon.

"Aba oo naman. Ikaw naman ang kasama niya eh. Kaya alam kong nasa magandang kamay ang anak ko. Diba Chloe?” baling nito sa kanya.

"Oo naman po Mama,” sabay ngiti. “Jake anong oras na, umuwi kana para makapagpahinga kana. Ilang oras pa naman bago ang party eh,” aniya sa binata.

"Opo madame, uuwi na." pangaasar pa nito sa kanya. "Tita, aalis na po ako. Susunduin ko nalang po si Chloe dito mamaya."

Hinatid niya ito sa kanilang gate.

"Ikaw ha, hindi mo sinabi saking isasama mo ’ko. Loko ka! Nagulat ako ’nun,”

"Hindi ko ba nasabi? Hala ulyanin na ata ako, nakalimutan kong sabihin," sabay tawa. "O pano yan Chloe, alis na ako, pupuntahan nalang ulit kita dito. Itext mo nalang ako kung handa ka na." Papunta na ito sa sasakyan nito ng tawagin niya ito, lumingon ito sa kanya.

Ingat ka,” aniya. Ngumiti ito at lumapit sa kanya, hinalikan siya nito sa pisingi na ikinataas ng mga buhok niya sa katawan.

"Thank you Chloe, you’re the best best friend in the world." Anitong nakatitig sa mga mata niya. OMG! Kinikilig ako! 

"I know right, sige na umalis ka na. Alam kong pagod ka na,” Aniyang tinatago ang kilig.

Babye! See you later!” 

Pumasok na siya ng bahay. Kailangan magpaganda siya ng bongang bongga!

Itutuloy

In life, you learn lessons.
And sometimes you lean them the hard way.
Sometimes you learn them too late..

Family will always be the best. No matter what may happened they will always be there for you. Giving you strength and love ♥

Me and my family nga pala nung libing ng Lola namin. :)

©